PAALALA: Mag-ingat sa sakit na leptospirosis at dengue ngayong panahon ng tag-ulan!
Upang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang QCitizens ukol sa dengue at leptospirosis, patuloy sa pagsasagawa ng health education ang QC Epidemiology & Disease Surveillance Unit sa ilang barangay sa District 3 at District 6.
Nagsagawa rin ng dengue & leptospirosis case investigation ang CESU upang mapigil ang patuloy na pagdami ng kaso ng mga nasabing sakit.