Nagsagawa ng pagsasanay at pamamahagi ng QC Essential Kits ang Small Business & Cooperatives Development Promotion Office (SBCDPO) at Public Employment Service Office (PESO) para sa 50 magulang ng mga child laborer.
Nagsilbing mga tagapagsanay sina Ms. Ma. Regina S. Toralba at Ms. Jennelyn Palacio ng SBCDPO sa paggawa ng pabango, isa sa mga produktong maaari nilang pagkakitaan.
Layunin ng aktibidad na ito na makapagbigay ng sapat na kaalaman sa pagnenegosyo upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kani-kanilang pamilya at tuluyan nang maialis ang kanilang mga anak mula sa pagtatrabaho.
Sa pagtanggap nila ng pangkabuhayan, lumagda rin ang mga benepisyaryo sa isang kasunduan bilang suporta sa zero child labor campaign ng lungsod.




