Sa pangunguna ng Tanggapan ng ating Punong Lungsod katuwang ang QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (QC SBCDPO), Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon, Councilor Aly Medalla, at Education Affairs Unit head Maricris Veloso, naipamahagi ang unang batch ng QC Essentials Alcologne Starter Kit sa mga magulang at guardians sa piling pampublikong paaralan sa District 2.

Ito ay isang aktibidad sa ilalim ng programang Kabuhayan, Kaalaman, at Kaunlaran o QC KKK na naglalayong mabigyan kaalaman at oportunidad sa trabaho at kabuhayan ang mga magulang at guardians upang masuportahan ang mga pangangailangang pinansyal ng kanilang pamilya.

Kaisa rin sa inisyatibong ito ang QC Federation of Parent-Teachers’ Association sa pamumuno ni Mr. Fernan Gana at ang kinatawan ng QC Parent-Teacher Association (PTA) Federation, District 2 President Ms. Lanie Avellana-Ternola at iba pang PTA officers at representatives.