Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bukas ang mga evacuation center sa iba’t ibang barangay ng Quezon City para sa mga QCitizen na kinailangang lumikas dahil sa epekto ng Habagat.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga evacuee, kabilang ang pamamahagi ng hot meals ng Social Services Development Department (SSDD).
Mayroon ding child-friendly space para sa mga batang pansamantalang nananatili sa evacuation center.
Para sa emergency o anumang concern, tumawag sa QC Helpline 122.
Manatiling ligtas at alerto, mga QCitizen!










