Binigyang pagkilala ang mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng QC Exemplar Awards kasabay ng flag raising ceremony ngayong Lunes.
Personal na iginawad nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang parangal kina Engr. Isagani Versoza Jr. at Ms. Mary Grace Catherine Laddaran ng Department of Building Official.
Kaisa sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Human Resource and Management Department head Atty. Noel Del Prado.
