Pagbati sa mga masisipag na tauhan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon na nakatanggap ng parangal ngayong araw!
Pinarangalan ng Career and Self-Development Award ang mga empleyado ng City Hall na naka-pasa sa Civil Exam Service na naganap nitong Agosto 2023.
QC Government’s Career and Self-Development Awardees:
• Jane T. Orcino ng Department of Tourism
• Mark Vistan at Rolan Nadala Jr. ng Procurement Department
• Elisardo I. Belas, Gemalli Joy G. Pablo at Arnel Jeff Romerosa ng Market Development and Administration Department
• Alyssa C. Brazal at Rina Chloe F. Vega ng Persons with Disability Affairs Office
• Lady Joy M. Villasante mula sa City Treasurer’s Office
Iginawad ang QC Honesty Exemplar Award kina Emelio D. Delos Santos at Jomarie N. Abuyen ng General Services Department dahil sa kanilang pagsauli ng napulot na cellphone sa isang empleyado ng City Hall.
Tinanggap rin ni Melvin C. Anore ng Quezon City Tourism Department ang QC Exemplar Beyond the Workplace Award dahil sa kanyang pagkakapanalo sa Huawei Xmage International Awards 2023 Night Category.
Kinilala naman ang katapatan at pagiging propesyunal sa kanilang trabaho nina Aaron Josef B. Canlas at Jojo Vergel L. Amador mula sa Traffic and Transport Management at binigyan ng Dedication to Duty Above Self Award. Naging tagapamagitan sina Canlas at Amador sa insidenteng kinasangkutan ng isang motorcycle rider matapos itong masita nang walang suot na helmet.
Mismong sina Vice Mayor Gian Sotto, Councilor Egay Yap, Councilor Rannie Ludovica, Councilor Vic Bernardo, Councilor Banjo Pilar, Councilor Eric Medina, Councilor Godofredo Liban II, Councilor Mutya Castelo, at Councilor Nanette Daza at mga department heads ang nag-abot sa kanila ng awards.