Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month, bumisita sina Ms. Iza Calzado-Wintle kasama sina Ms. Maica Teves, Executive Director ng SPARK! Philippines, QC Gender and Development Council sa pangunguna ni Ms. Janet Oviedo sa Quezon City Female Dormitory upang kumustahin ang mga babaeng persons deprived of liberty (PDLs). Ibinida naman ng mga kababaihang PDL ang ginawa nila mismong mga bags, purse, wallet at iba pang handcrafted products na bahagi ng livelihood program sa ilalim ng ‘No Woman Left Behind’.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng konsultasyon at gift-giving ng hygiene kits ang pamunuan ng QC Female Dorm kasama si jail warden JSupt. Maria Ignacia Monteron at German Ambassador Anke Reiffenstuel.