Nagsama-sama ang mga opisyal ng pamahalaan, barangay, paaralan, at mga kinatawan ng pribadong sektor sa kauna-unahang Quezon City Flood Summit.
Sa Quezon City Flood Summit, ibinahagi ng mga eksperto kung paano matitiyak ang katatagan ng mga LGU sa panahon ng sakuna, sa pamamagitan ng science, engineering solutions, at urban planning.
Sa kanyang mensahe, binigang-diin ni Mayor Joy Belmonte na hindi dapat tiisin ng mga mamamayan ang paulit-ulit na epekto ng kalamidad. Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin ng mga opisyal na siguraduhing ligtas sa kapahamakan at maayos ang kalagayan ng mga residente.
Para maisakatuparan ito, iba-ibang hakbang ang isinagawa ng lokal na pamahalaan tulad ng pagbuo ng Drainage Masterplan, pag-upgrade sa drainage lines, pagtatatag ng Project Terra na pag-integrate ng detention basins sa ilalim ng mga basketball court, at pagtatayo ng retention pond sa Quezon Memorial Circle.
Nagsilbi namang keynote speaker si Climate Change Commission Commissioner Rachell Anne Herrera.
Sa temang “Rising Above Floods: Building Resilient Cities,” nagsagawa ng mga plenary session na tumatalakay sa iba-ibang paraan para maging flood-resilient.
Dumalo rin sa summit sina QC Council Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Coun. Alfred Vargas, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Doray Delarmente, Coun. Mari Rodriguez, Coun. Cocoy Medina, Coun. Candy Medina, Coun Rannie Ludovica, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Head Bianca Perez at iba pang department head ng lokal na pamahalaan.








