Kabilang sa pagsulong ng learning recovery, inilunsad ng Lungsod Quezon ang QC Gabay Aral, isang tutoring program na pinagtitibay ang foundational skills ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagbilang.
Katuwang ang Hiranand Group, kasalukuyang sumasasailalim sa tutoring sessions ang mga piling mag-aaral ng Commonwealth Elementary School. Ito ay upang matugunan ang kanilang pangangailangan na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa. Isa ang Chalkboard, Inc. sa kaagapay ng lungsod sa pagpapatupad ng naturang programa.
Nagpapasalamat ang Lungsod Quezon sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte sa Hiranand Group at iba pang mga organisasyon sa kanilang pagtitiwala at pakikilahok sa pagbibigay prayoridad sa learning recovery ng ating mga kabataan.