FOUR YEARS IN A ROW!

Muling nakamit ng Quezon City Government ang “Unqualified Opinion” mula sa Comission on Audit (COA) sa ika-apat na sunod na taon sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joy Belmonte.

Itinuturing itong pinakamataas na markang ibinibigay ng COA para sa mga sangay ng gobyerno tulad ng mga lokal na pamahalaan.

Mismong sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at City Administrator Mike Alimurung ang tumanggap sa ulat ng COA mula kay COA-QC Supervising Auditor Joseph Perez.

+3