Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
LET’S GO SKATE IN QC! ![]()
![]()
Maagang nakisaya at nagpamalas na kani-kanilang galing sa skateboards ang nasa 200 skaters na nakiisa sa QC Go Skateboarding Day sa Quezon Memorial Circle (QMC) ngayong Linggo.
Ikinatuwa ng mga QC skate groups ang mga aktibidad na inihanda tulad ng skate jam, best tricks, fingerboard, at friendly competitions ng mga skaters sa bagong skate park sa QMC.
World-class din ang pasilidad dahil mayroon itong park style, street style, casual style, at dalawang skating bowls na may competition-standard design.
Habol na sa QMC mga skaters, dahil tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng Go Skateboarding Day!










