Bilang pakikiisa sa panawagang wakasan ang child labor, nakibahagi ang Quezon City Government sa Project ACE Philippines and Vietnam Regional Information Sharing with Partners.
Ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ay nagbahagi ng mga karanasan sa pagsusuri at pag-aaral upang wakasan ang child labor sa lungsod.
Patuloy ang pagsusulong ng Lungsod Quezon sa mga patakaran at ordinansa na makakatulong sa pagtugon sa problema ng child labor. Kabilang dito ang pagbubuo ng Task Force Sampaguita at pagpapatupad ng mga ordinansa para mapaigting ang proteksyon ng mga bata mula sa mapanganib na trabaho at anumang uri ng pang-aabuso.