KABATAAN PARA SA KALIKASAN!
Upang bigyang importansya ang mga mungkahi at panawagan ng mga kabataan patungkol sa climate change, magkatuwang na idinaos ng Quezon City Government at UNICEF Philippines ang World Children’s Day 2023 sa Quezon City Experience Museum ngayong Linggo.
Dinaluhan ito ng mga students, youth advocates and representatives, campus journalists, teachers, guardians, at UNICEF affiliated youth organizations.
Nakiisa rin si Mayor Joy sa ceremonial commitment upang maprotektahan ang kalikasan para sa mga kabataan at sa susunod na henerasyon.
Kasama ng alkalde sa seremonya sina Vice President and Department of Education Secretary Sara Duterte, Vice Mayor Gian Sotto, Department of Finance Usec. Maria Tuiseco, UNICEF National Ambassador Anne Curtis, UNICEF Ph Rep. Oyun Dendevnorov, UNICEF Deputy Rep. Behzad Noubary, World Bank Country Director Dr. Ndiame Diop, at Youth Advocates na sina Joshua Villalobos, at Yuan Santos.
Naghanda rin ng iba-ibang environmental friendly booths upang ipakita ang mga programa ng QC na nagsusulong ng sustainability at climate action tulad ng Joy of Urban Farming, Trash to Cashback program, at QC Basuhero.
Mayroon namang mga activity area tulad ng play and workshop areas, padyak-powered generators, photobooths, face painting at booths para sa mga youth organizations.