Buong pwersang nagtutulungan ang mga departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon at COMELEC sa ikalawang araw ng preparasyon para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Simula kanina, ipinapamahagi na ang election paraphernalia para sa mga presinto sa Distrito 4 hanggang 6. Nauna nang ipinamahagi ang election paraphernalia para sa Distrito 1-3 kahapon.

Aabot sa 169 polling centers ang inihahanda sa buong Lungsod Quezon upang maging maayos ang takbo ng eleksyon, kasabay ng pagdeploy ng daan-daang empleyado ng QC Government.

Magkakaroon din ng kauna-unahang mall voting precincts sa QC. Kasabay nito ang pilot testing ng COMELEC upang i-automate ang barangay elections sa Barangay Pasong Tamo.

Idinaos naman kaninang 5:00 am ang ikalawang araw ng operational briefing para sa halalan, na pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.

+23