QC GOV’T DECLARES DENGUE OUTBREAK

Idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang Dengue Outbreak sa lungsod kasunod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue.

Inihayag ng lokal na pamahalaan na mula Enero 2025, nasa 10 na ang namatay dahil sa dengue, kung saan 8 dito ay mga menor de-edad. Sa kasalukuyan, nasa 1,769 na ang kabuuang bilang ng naitalang dengue cases sa QC.

Inatasan na rin ni Mayor Joy ang 66 health centers sa QC na maging bukas mula Lunes hanggang Linggo. Libre ang test kit para sa dengue cases sa mga health center at ospital ng lungsod.

Magkakaroon naman ng malakawang clean-up drives sa mga barangay at fogging sa dengue hotspots sa QC.

Nanawagan ang Alkalde sa mga QCitizen, barangay, mga eskwelahan, at bawat komunidad sa lungsod na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang maagap na matugunan ang tumataas na kaso ng dengue.

Kasama ni Mayor Joy sa press conference sina Quezon City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Committee on Barangay Affairs Chairperson Councilor Mari Rodriguez, Schools Division Superintendent Carleen S. Sedilla, Epidemiology and Surveillance Division head Dr. Rolly Cruz, at Dr. Rosalie Espelita ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development.

+20