Nabigyang solusyon ang reklamo ng isang QCitizen na nagpadala ng mensahe sa Quezon City Government Facebook page ukol sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa kahabaan ng Opel St. sa Brgy. Greater Fairview.

Sa pangunguna ni District 5 Office Action Officer Mr. William Bawag katuwang ang Transport and Traffic Management Department (TTMD) at Barangay Public Safety Officer (BPSO), agad silang nagsagawa ng operasyon upang maaalis ang mga nakaparadang sasakyan sa kalsada.