Sumailalim sa orientation ang bagong interns ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Human Resource Management Department (HRMD).
Ipinaliwanag sa mga trainee ang core values at ethics ng mga public servant. Binigyan din sila ng Public Employment Service Office ng career guidance and employment coaching workshop.
Pinaunlakan ni City Administrator Mike Alimurung ang briefing kung saan binigyan niya ang mga soon-to-be professionals ng tips at inspirational message.
Ang career orientation ay bahagi ng mga hakbang ng lungsod sa paggabay sa mga kabataan sa pagtukoy ng kanilang career path, pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga proseso sa lokal na pamahalaan at pagpapataas pa ng antas ng kasanayan ng mga kawani.