Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC
Mindanao!
Nagtungo sa Mindanao ang delegasyon ng Quezon City Government upang tumugon sa mga pamilya at residenteng lubos na naapektuhan ng malakas na lindol noong Hunyo 8, 2026.
Binubuo ang Team QC ng mga social worker, doktor, rescue personnel, at iba pang trained professionals na magbibigay ng mental health at psychosocial support sa mga biktima.
Dala rin ng Team QC ang P4.5 Milyong tulong pinansyal para sa mga apektadong lugar. Makatatanggap ang General Santos City ng P1.5 Milyon, habang tig-P1 Milyon naman ang mga munisipalidad ng Jose Abad Santos, Malapatan, at Sarangani.
Sa panahon ng krisis o hamon, malapit man o malayo, karamay ninyo ang Lungsod Quezon. ![]()






