Ipinaramdam ng Quezon City Government ang pasasalamat nito sa libu-libong kawani ng lungsod na taos-pusong naglilingkod, sa ginanap na QC Hall Employees Christmas Party.

Sari-saring cash prizes, e-bike, motor, at sasakyan ang ipinamahagi sa raffle draw.

Ang selebrasyon ay simbolo ng pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga public servant na walang sawang nagseserbisyo sa mga QCitizen, at nagsisilbing haligi ng kaunlaran at paglago ng lungsod.

+32