Agad na lumikas ang mga empleyado ng Quezon City Hall matapos maramdaman ang intensity 3 na pagyanig sa Quezon City.

Bandang 3:16 ng hapon, naitala ang magnitude 4.8 na lindol sa Palauig, Zambales.

Mabilis namang rumesponde ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council at nagsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) upang masiguro na ligtas ang mga gusali matapos ang pagyanig.