Bilang pagsunod sa direktiba ng Department of Education-NCR, agad na nagsagawa ng disinfection ang QC Health Department sa mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Sinuspinde ang mga klase sa public schools mula Oktubre 13-14 dahil sa mga kaso ng influenza-like illness, at pagtiyak kung maayos ang mga gusali kasunod ng mga sunod-sunod na pagyanig sa ilang bahagi ng bansa.
Prayoridad ng pamahalaang lungsod na ligtas ang bawat mag-aaral sa banta ng sakit lalo na sa mga pampublikong eskwelahan.
Maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center o ospital kung sakaling nakakaranas ng sintomas o sakit.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga kaso ng Influenza (o trangkaso) at kung paano makakaiwas dito, maaaring basahin ang mga paalala mula sa QC Health Department: https://www.facebook.com/share/p/1D6njYY7Pp/










