Upang mabigyan pa ng karagdagang kaalaman ukol sa dengue at kung paano ito maiiwasan, dumalo ang iba’t ibang kawani ng mga barangay sa ginanap na Dengue Awareness Forum na pinangunahan ng Quezon City Health Department.

Pumirma rin ng Pledge of Commitment si Vice Mayor Gian Sotto bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa naturang forum bilang tanda ng pakikiisa sa pagpapalawig ng mga aktibidad upang maiwasan ang pagdami ng mga kaso ng dengue sa QC.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng spraying and fogging sa mga barangay kung saan nakapagtala ng kaso ng dengue. Pinapaalalahanan din ang mga QCitizens na ugaliing maglinis ng kanilang kapaligiran upang maiwasan ang dengue lalo na ngayong tag-ulan.