Kinakalinga ng mga doktor at city health workers ang mga QCitizen na inilikas dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong #KristinePH.
Binibigyan ng Quezon City Health Department (QCHD) ng vitamins, supplements, at mga gamot ang mga residenteng nasa evacuation center.
May libre ring doxycycline para sa mga lumusong sa baha.
Mayroong safe space para sa mga buntis at lactating moms, para siguraduhin ang kanilang kaligtasan at nutrisyon, pati na rin ng kanilang baby.