Sinusuyod ng mga doctor at city health worker ang mga evacuation site para matugunan ang medical needs ng mga QCitizen na pansamantalang nanunuluyan doon.
Nagbibigay ang Quezon City Health Department ng gamot, vitamins at nutritional supplements, at libreng medical consultation sa mga evacuee.
Namamahagi rin ng libreng Doxycycline para sa mga residenteng lumusong sa baha.
Nakaantabay 24/7 ang QCHD para agad na maibigay ang mga gamot at iba pang serbisyong medikal na kakailanganin ng mga pamilyang nasa evacuation sites.