Tinitiyak ng mga doktor, nurse, at city at barangay health workers ng QC Health Department (QCHD) na mabuti ang kalagayan ng mga QCitizen na pansamantalang namamalagi sa evacuation centers.

Binigyan ng mga health worker ng doxycycline ang mga residente para maiwasang magkaroon ng leptospirosis. Nagbigay din sila ng gamot sa mga evacuee na may sakit, at vitamins.

Masusi rin nilang in-assess ang kalusugan ng mga bata at buntis sa evacuation center. Kasabay nito ay nagsagawa sila ng psychological first aid sa mga QCitizen na posibleng nagkaroon ng trauma dahil sa kalamidad.

#TayoAngQC

+10