Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC HELPLINE 122, AT YOUR SERVICE 24/7! ![]()
Nakaantabay 24/7 ang mga tauhan ng QC Citizen Services Department upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga QCitizen, lalo na sa gitna ng masamang panahon dulot ng habagat.
Kung may emergency, o nangangailangan ng agarang tulong, tumawag agad sa QC Helpline 122. ![]()
May mga nakaantabay na pulis mula sa Quezon City Police District para sa mga police-related concerns, gayundin ang trained personnel na maaaring tumugon sa mental health concerns.
Maaari ding tawagan ang 122 para sa mga katanungan tungkol sa iba-ibang programa, serbisyo, at tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City.









