MAHALAGANG ABISO
Sasailalim sa SERVICE MAINTENANCE ang QC Helpline 122 bukas, November 28, 2025. Maaaring maantala ang serbisyo ng 122 at pansamantalang hindi muna matatawagan simula 12:00 AM hanggang 4:00 AM.
Layon nitong mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo at pag-responde sa pangangailangan ng mga QCitizen.
Maaari namang mag-email sa helpdesk@quezoncity.gov.ph.
Salamat po sa inyong pang-unawa.




