Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC HELPLINE 122, AT YOUR SERVICE 24/7!![]()
Nakaantabay ang mga tauhan ng QC Citizen Services Department para sa anumang pangangailangan ng mga QCitizen sa gitna ng nararanasang masamang panahon dulot ng habagat.
Huwag mag-atubiling tumawag sa ating QC Helpline 122 kung may emergency, o nangangailangan ng agarang tulong at aksyon.![]()
May mga nakabantay na pulis mula sa QC Police District, at may mga trained personnel para naman sa inyong mental health concerns.
Maaari ring tumawag sa ating helpline kung may mga katanungan ukol sa iba-ibang programa ng pamahalaang lungsod.
Dito sa QC, hindi ka nag-iisa. Laging may nakahandang tumulong sa iyo.










