Ngayong umaga, pinarangalan ng QC Honesty Exemplar Award si Raymond Jay Liwanag mula sa Traffic and Transport Management Department na nagpamalas ng katapatan sa pagganap ng kaniyang tungkulin para sa pagsasauli ng nakitang cellphone.

Nabigyan din ng Career and Self-Development Award sina Geraldine Joy San Miguel, Jenalyn Fulgencio, at Mark Jeson Sanchez mula sa Housing, Community Development and Resettlement Department na nakapasa sa Civil Service Examination.

Ipagpatuloy po ninyo ang tapat at tunay na serbisyo!