Pagbati kay Mr. Joseph N. Aldep ng QC General Services Department na kinilala at nakatanggap ng QC Honesty Exemplar Award!

Ipinamalas ni Joseph ang mga katangian ng isang kawani ng lokal na pamahalaan, ang pagiging marangal at matapat, nang isauli niya sa may-ari ang pera na nakita niya habang siya ay nagta-trabaho.

Pormal niyang tinanggap ang parangal mula sa lokal na pamahalaan sa flag-raising ceremony ngayong umaga.