Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Monday, QC!
Nanguna si Mayor Joy Belmonte sa paggawad ng mga pagkilala sa mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod kasabay ng flag raising ceremony.
Ginawaran ng QC Honesty Exemplar Award ang empleyado ng City Treasurer’s Office na si Raquel Nicdao. Siya ay kinilala sa kanyang katapatan matapos isauli ang pera na naiwan ng isang taxpayer sa kanilang tanggapan.
Binigyan rin ng Career and Self Development Award ang mga empleyado na nagpursigi para sa kanilang personal at career development habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang kawani.
Para naman sa QC Service Award, kinilala ng lungsod ang mga empleyado na nagsilbi sa pamahalaang lungsod ng 20 taon o higit pa.










