Dumalo ang mga kinatawan ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan at people’s organizations, sa ginanap ng QC Housing Board meeting.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga isasagawang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) project ng national government, QCitizen Housing projects, at mga bahagi ng pabahay ng lokal na pamahalaan na maaaring gawing commercial area.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagsilbing presiding officer sa pulong.




