Maraming salamat sa ating QCitizen breastfeeding mommies na patuloy na sumusuporta sa milk-letting activities na isinasagawa sa ating lungsod.
Kahapon, September 14, idinaos ng Quezon City Human Milk Bank ang milk-letting activity sa Toro Hills Health Center sa Brgy. Bahay Toro.
Bawat donor ay sumasailalim sa counselling, free screening, HIV test, at Hepa B test.
Ang mga nagbigay ng gatas na lagpas sa 100ml ay makakatanggap ng “share card”, kung saan makakakuha ng aabot sa 40% medical discount sa kahit anong serbisyo ng Quezon City General Hospital.
Ang programa ay bahagi ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for All) program na pakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.