Patuloy ang pag donate ng gatas ng QCitizen mommies para sa QC Human Milk Bank ngayong araw na idinaos sa San Francisco Lying-In and Reproductive Health Clinic ng Barangay Damayan, Setyembre 15.
Bawat donors ay dumadaan sa counselling, free screening, tulad ng HIV test, at Hepa B test. Ang mga maiipon human milk dito ay makatutulong sa mga batang may sakit o ngangangailangan ng gatas ng ina.
Ang mga nag donate ng lagpas sa 100ml ay makatatanggap ng ‘share card’ na maari nilang magamit upang maka-discount sa medical services at hospital bills sa Quezon City General Hospital.
Bahagi ito ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for All) program na pakikiisa sa selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.