Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pakikipagtulungan ng relief team ng Quezon City Government sa mga local at provincial unit sa Mindanao bilang bahagi ng humanitarian relief efforts para sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Kabilang dito ang pagde-deploy ng mga social workers, doktor, rescue personnel, at trained professional upang magpaabot ng mental and psychosocial support sa mga biktima ng lindol.
Naipamahagi na rin ng Team QC ang tulong pinansiyal sa General Santos City, South Cotabato, at mga munisipalidad ng Jose Abad Santos, Malapatan, at Saranggani.
Ang Lungsod Quezon ay patuloy na makikiisa at sumusuporta sa Mindanao sa kanilang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad.










