Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naibigay na ng Team QC ang tulong-pinansyal para sa mga bayang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao sa isinagawang humanitarian mission ng Quezon City Government.
Kabilang sa mga pinadalhan ng tulong ng Team QC ang General Santos City, South Cotabato, at mga munisipalidad ng Jose Abad Santos, Malapatan, at Saranggani.
Patuloy rin ang koordinasyon ng mga kawani ng Lungsod Quezon sa mga local at provincial government units sa Mindanao para sa deployment ng mga social workers, doktor, rescue personnel, at trained professional upang magpaabot ng mental and psychosocial support sa mga biktima ng lindol.










