Mabilis na inaksyunan ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng QC Engineering Department, ang ipinadalang report ng concerned citizens sa QC iReport ukol sa mga sirang kalsada at drainage sa ilang barangay sa lungsod.
Kabilang sa mga tinugunang reklamo ang baradong kanal sa Brgy. East Kamias, sirang drainage sa Brgy. E. Rodriguez, at malalim na lubak sa kalsada ng Brgy. Tandang Sora.
Sa QC iReport platform, maaari nang mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura, sirang kalsada, o pundidong ilaw sa poste.
Kung may nais kang i-report, malaman na mga programa at serbisyo, o silipin ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan, bisitahin lang ang QC e-Services site, https://qceservices.quezoncity.gov.ph/, para ma-access ang QC Open Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport.








