Patuloy ang pagtugon ng Quezon City Government sa iba-ibang issue na ipinadala ng mga concerned citizen sa QC iReport platform.
Sa pangunguna ng QC Engineering Department, agad na naaksyunan ang mga reklamo ng sirang kalsada sa mga barangay ng Balingasa, Tandang Sora, at Vasra at pagre-repaint ng buradong pedestrian lane sa Brgy. Socorro.
Sa pamamagitan ng QC iReport, maaari nang mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura, sirang kalsada, o pundidong ilaw sa poste.
Kung may nais kang i-report, malaman na mga programa at serbisyo, o silipin ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan, bisitahin lang ang QC e-Services site, https://qceservices.quezoncity.gov.ph/, para ma-access ang QC Open Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport.









