TINGNAN: Naisaayos na ang mga sirang kalsada at drainage sa ilang bahagi ng Brgy. Commonwealth, Brgy. Central, Brgy. San Agustin, at Brgy. Ramon Magsaysay sa pangunguna ng QC Engineering Department.
Maraming salamat sa mga concerned citizen na patuloy na nakikiisa at nagpapadala ng report sa QC iReport platform.
Sa pamamagitan ng QC iReport, maaari nang mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura, sirang kalsada, o pundidong ilaw sa poste.
Kung may nais kang i-report, malaman na mga programa at serbisyo, o silipin ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan, bisitahin lang ang QC e-Services site, https://qceservices.quezoncity.gov.ph/, para ma-access ang QC Open Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport.









