May sira o baradong drainage sa inyong lugar? I-QC iReport na ‘yan!
Naisaayos na ang mga sira at baradong kanal sa ilang kalsada sa Brgy. Tandang Sora, Brgy. Fairview, Brgy. Holy Spirit, at Brgy. Santa Monica matapos itong i-report ng concerned citizens sa QC iReport platform.
Pinangunahan ng QC Engineering Department ang drainage repair sa mga nasabing lugar.
Sa pamamagitan ng QC iReport, maaari nang mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura, sirang kalsada, o pundidong ilaw sa poste.
Kung may nais kang i-report, malaman na mga programa at serbisyo, o silipin ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan, bisitahin lang ang QC e-Services site, https://qceservices.quezoncity.gov.ph/, para ma-access ang QC Open Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport.









