Sira o baradong drainage? I-QC iReport na ‘yan!
Naisaayos na ang mga sira at baradong drainage sa Kamagong St., Brgy. Commonwealth at San Luis, Brgy. Gulod matapos itong i-report ng concerned citizens sa QC iReport platform.
Pinangunahan ng QC Engineering Department ang drainage repair sa dalawang barangay.
Sa pamamagitan ng QC iReport platform, maaari nang mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura, sirang kalsada, o pundidong ilaw sa poste.
Kung may nais kang i-report, malaman na mga programa at serbisyo, o silipin ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan, bisitahin lang ang QC e-Services site, https://qceservices.quezoncity.gov.ph/, para ma-access ang QC Open Data Dashboards, QC Open Infra Dashboard, at QC iReport.







