Sa QC iReport, may sasagot, may kikilos!![]()
QCitizens, mas magiging accessible, malinaw, at responsive ang serbisyo ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng bagong official incident reporting platform ng QC Government– QC iReport.
Pwedeng gamitin ng mga QCitizen ang QC iReport platform para mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura o pundidong ilaw sa poste.
Mula sa pagpapadala ng reklamo o concern, hanggang sa pag-aksyon at pag-resolba ng lokal na pamahalaan, mas pinagtitibay ng lungsod ang pagsusulong ng pamahalaang transparent, may paninindigan, at tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.
Mag-login lang sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ o i-download ang QCitizen app, at i-click ang iReport icon.




