Maraming salamat sa iyong serbisyo, QC Jail Female Dorm Warden JSupt. Maria Ignacia Monteron!
Personal na nag-render ng kanyang exit call si JSupt. Monteron kay Mayor Joy Belmonte matapos ang halos dalawang taon na kanyang pagsisilbi bilang jail warden ng QC JFD.
Sa ilalim ng kanyang liderato, kinilala siya bilang Best City Jail Warden of the Year at ang QC JFD bilang Best City Jail of the Year 2023.
Naging aktibong katuwang ng pamahalaang lungsod ang QC JFD sa pagpapatupad ng No Woman Left Behind program kung saan binibigyan ng oportunidad ang mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matuto ng livelihood skills at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.



