Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ICYMI: Nakibahagi sa bazaar ng Park Inn by Radisson North EDSA ang mga tauhan ng QC Jail Female Dormitory para itampok ang mga handcrafted bags na gawa ng persons deprived of liberty (PDL) ng QCJFD.
Umabot sa P27,500 ang kinita ng mga PDL mula sa kanilang mga likhang bag na makakatulong sa kanilang patuloy na pagbabagong-buhay at muling pagbabalik sa komunidad.
Bahagi ito ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni Mayor Joy Belmonte, na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makapagbago at magkaroon ng kabuhayan para sa pamilya sa kanilang paglaya.








