Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
TINGNAN: Mabibili na sa Solaire Resort North ang mga handcrafted beaded at bayong bag na gawa ng mga persons deprived of liberty (PDL) ng QC Jail Female Dormitory. Ito’y matapos iturn-over sa pamunuan ng Solaire Resort North ang mga likhang bag ng mga PDL sa pangunguna ni QCJFD Jail Warden J/Supt. Lourvina Abrazado.
Bahagi ito ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni Mayor Joy Belmonte, katuwang ang QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO), at Quezon City University.
Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na magbago, at magkaroon ng kabuhayan para sa pamilya.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/share/p/163QBaRUS9/










