KABABAIHAN SA QC, TULOY ANG KAUNLARAN!
Inilunsad ng Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang Kababaihan Festival na bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong taon.
Binigyang-diin ng Alkalde na ang buwan ng Marso ay tatalakay sa mga mahahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa Lungsod Quezon at sa mga komunidad nito.
Tinunghayan din ng mga dumalo ang testimonya ng tagumpay ng mga QC empowered women at mga benepisyaryo ng mga program ng lokal na pamahalaan.
Niyanig din ng pitong grupo ng mga kababaihan at LGBTQIA+ employees ng City Hall ang buong compound sa idinaos na street dance competition.
Pagbati sa QC departments na nakiisa at nagwagi sa street dance competition!