Magsama-sama, magkaisa, kababaihan!
Libo-libong kababaihan at myembro ng LGBTQIA+ community ang nakisaya sa ginanap na ‘QC Kababaihan Festival’. Ang pagdiriwang ay bahagi ng pagsusulong ng pantay na karapatan at suporta sa kababaihan ng ating lokal na pamahalaan.
Nagkaroon ng parada at streetdance competition sa Tomas Morato kung saan ipinamalas ng ating Qcitizens ang kanilang mga talento.
Pinaalala ni Mayor Joy Belmonte sa mga kababaihan na magtulungan at maging kakampi ng bawat isa.
Congratulations sa mga nagwagi sa streetdance competition!
Champion – Brgy. Libis, District 3
1st Runner Up – Brgy. Commonwealth, District 2
2nd Runner Up – Pasong Tamo, District 6




