Nagpakitang-gilas ang mga barangay na kasali sa “QC Kababaihan Festival: Sayaw Pantropiko, Para sa Kalikasan Ito” (Barangay Category).
Naging panauhin sa dance contest si Makati City Mayor Binay. Ayon sa kanya, ang Quezon City at Makati ay parang magkapatid na nagtutulungan sa panahon ng kalamidad.
Itinanghal na Champion ang Barangay Commonwealth, 1st Runner Up ang Brgy. Escopa I, II, III, at IV, habang 2nd Runner Up naman ang Barangay Culiat.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy Belmonte ang premyo sa mga nagwagi sa mga sumusunod na kategorya:
• Best in Costume – Brgy. Bagong Lipunan ng Crame
• Biggest Contingent – Brgy. Sangandaan
Ang QC Kababaihan Festival ay inilunsad ng pamahalaang lungsod upang bigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang QCitizens na maipakita ang kanilang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kalikasan.
Happy Women’s Month, QC!




