Malugod na binuksan ng Quezon City Kabahagi Center for Children with Disabilities ang mga pinto nito bilang opisyal na learning site ng “Conference on the Move” ng The Network: Towards Unity for Health (TUFH) International Conference, katuwang ang University of the Philippines Manila na naganap nitong August 5, 2026.
Sa ilalim ng temang “Bayanihan for Health Equity: Co-Creating Social Innovations for Responsive and Resilient Health Systems,” dumalaw ang 30 internasyonal at lokal na delegado mula sa walong bansa upang saksihan kung paano nangunguna ang Quezon City sa serbisyo para sa mga batang may kapansanan.
Kabilang sa mga bansa at institusyong lumahok:
Pilipinas – UP Manila (College of Medicine, College of Nursing, School of Health Sciences, at Open University), Social Innovation in Health Initiative (SIHI)–Philippines, St. Luke’s Medical Center – Center for Autism, at Northern Samar Provincial Health Office
Estados Unidos – Woods System of Care, Brian’s House, at University of New Mexico School of Medicine
Canada – University of Alberta at Université Laval
Nigeria – UNICEF at SIHI Nigeria Hub (Nnamdi Azikiwe University)
Malaysia – Universiti Malaya
South Africa – Stellenbosch University at University of the Western Cape
India – Mahatma Gandhi Institute of Medical Sciences, Sevagram
Sudan – Suez University
Mula sa mga batang co-creators ng kanilang mga programa, hanggang sa mga magulang na naging co-therapists at social entrepreneurs, ipinamalas ng Kabahagi ang tunay na kahulugan ng inklusyon — kung saan walang batang naiiwan.
Maraming salamat sa lahat ng delegado para sa makabuluhang araw ng sama-samang pagkatuto. Ipinagmamalaki ng Quezon City sa buong mundo ang #BayanihanForHealthEquity — dito mismo sa lungsod na nagmamalasakit sa mga QCitizen!










