Isang hakbang para sa malusog na pag-unlad ng Batang QC!

Tatlumpung doktor mula sa QC community health centers ang sumailalim sa pagsasanay tungkol sa tamang pagsubaybay sa development ng mga bata sa pangunguna ng QC Kabahagi Center for Children with Disabilities ngayong araw.

Katuwang ang QC Health Department at Philippine Children’s Medical Center (PCMC), tumanggap ng training at lecture ang unang batch ng community health doctors mula sa 16 neurodevelopmental pediatricians ng PCMC sa pamumuno ni Dr. Christine Leonor Ma. Conducto.

Layunin ng pagsasanay na ito na mas mapaigi ang kakayahan nilang ma-detect nang maaga at agarang matulungan ang kabataang QC na may developmental needs.

+2